Ilang piling karunungang bayan ng mga I-Tadian/

Tayaban, Estrella Alintog

Ilang piling karunungang bayan ng mga I-Tadian/ Estrella Alintog-Tayaban - 135 leaves 29 cm

Thesis

Nilayon ng pag-aaral na magtipon at magsuri ng ilang piling karunungan – bayan ng mga Kankanaey sa Tadian, Mountain Province. Pinagsikapan ng mananaliksik na mauri-uri at mabigyang kahulugan ang mga karunungang-bayan, at matukoy ang mga kahalagahan at pagpapahalagang inilalarawan ng mga ito sa pamamagitan ng matatandang impormante. Pinatunayan ang mga pananaw sa ilang piling karunungang-bayan ng matatandang respondent sa pamamagitan ng pagkuha rin sa mga pananaw ng mga kabataang mag-aaral na I-Tadian ditto.
Tipong deskriptibong sarbey ng pananaliksik ang ginamit na pamaraan sa pag-aaral. Sa pagkalap ng mga impormasyon kinailangan sa pag-aaral. Sa pagkalap ng mga impormasyong kinailangan sa pag-aaral, ang mananaliksik ay gumamit ng mga tiyak na metodo tulad ng pakapa-kapa at sarbey, tuwirang pagtatanung-tanong o pakikipanayam, talatanungan, pagmamasid at pakikilahok.
Mga Kapasiyahan, Konklusyon at Rekomendasyon
Mga Kapasiyahan: Lumabas sa pag-aaral na may maraming kasabihan, salawikain at sabi-sabi, sawikain, bugtong, palaisipan at bulong ang mga Kankanaey sa Tadian, Mountain Province. Ang mga karunungang-bayang ito ay nagtataglay ng likas na kalagayan ng kanilang ugali, pagpapahalaga, gawi at pamamaraan ng pamumuhay. Bahagi ng kanilang pamanang kultural ang mga ito na siyang naglalarawan ng kanilang kalikasan at mga katangian bilang isang lipi.
Mga Kongklusyon: Sa sikolohiya o kaisipan at ugali ng mga I-Tadian, ang mga karunungang-bayan ay nakatutulong sa pag-unlad ng buhay at ng mga tao, gaya ng sinabi ng kanilang mga ninuno. Maliban ditto ay pinatutunayan ng pag-aaral na talagang makabuluhan and kahalagahang panitikan, panlipunan, pang-ekonomiko, pang-edukasyon at pangkalinangan ng mga karunungang-bayang kankanaey, kaya ang mga ito ay karapat-dapat pahalagahan, panatilihin, ituro, isalin at paunlarin.
Batay sa mga pagpapasiya at mga kongklusyon, nakakaimpluwensya sa edukasyon ng mga I-Tadian, and mga implikasyon, kaya’t iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod:
1. Ang pag-aaral ng katutubong lultura ay dapat isanib sa kurikulum ng paaralan sa lahat ng antas, lalo na sa larangan ng agham panlipunan, gamiting wika, panitikan, drama, sining, musika, edukasyon sa pagpapahalada at di-porma na edukasyon.
2. Himukin sana ng mga guro at opisyal ng paaralan ang mga nakababatang Kankanaey na pag-aralan at patuloy na bukambibig ang mabubuting kaalamang-bayan.
3. Dapat himuking ipagpatuloy pa ng mga mag-aaral na I-Tadian ang pagkalap, pagsasatitik, pagsasalin sa Filipino at Ingles at pag-aaral sa kanilang mga pasalitang panitikan.

Teacher Education


Karunungang bayan

MAED T21 1996