Local cover image
Local cover image

Paggamit ng salitang generation Z at ang mga implikasyon sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ng mga mag-aaral / Loida G. Tiago

By: Material type: TextTextDescription: 82p. ; 29 cmContent type:
Media type:
DDC classification:
  • MAED T43 2023
Summary: Nilayon ng pag- aaral na ito na matukoy ang mga salitang Gen Z na ginagamit ng mga tagatugong mag - aral sa Sinipsip National High School - Natubleng Extension, matukoy ang resulta o bunga ng paggamit sa mga salitang ito at ano ang implikasyon ng paggamit sa kanilang pakikipag- ugnayan sa kapwa. Batay sa isinagawang pag- aaral , natuklasan ang mga sumusunod: Ang mga salitang Gen Z na ginagamit ng mga tagatugong mag- aaral ay Jejenese, Bekinese at Salitang balbal. Ang mga bunga o resulta ng paggamit ng mga tagatugon sa mga salitang Gen Z ay may positibo at negatibong resulta . Ang mga positibo ay malayang pagpapahayag , pagkatuto ng ibang salita , nagpapasya sa buhay, tumaas ang tiwala sa sarili at dumami ang mga kaibigan . Ang mga negatibong resulta naman ay pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at hindi pantay na pagtrato sa mga tagatugon . Ang mga implikasyon ng paggamit ng mga tagatugon sa mga salitang Gen Z sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kapwa ay ang pagkakaroon ng malayang komunikasyon , kaalaman sa ibang salita , kasiyahan , tiwala sa sarili, maraming kaibigan, hindi pagkakaunawaan at diskriminasyon. Batay sa kongklusyon ay iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Ugaliin at sanayin ang sarili sa paggamit ng mga pormal na wika sa pakikipagkomunikasyon sa loob at labas ng paaralan. 2. Bagamat malaya ang mga kabataan sa paggamit ng mga salitang Gen Z sublalit nararapat iakma ang paggamit sa tamang pagkakataon, panahon, lugar, at tao. 3. Pagtibayin ang istriktong implementasyon at palawakin ang paggamit ng mga pormal na wika sa pagtuturo- pagkatuto at komunikasyon sa paaralan sa pamamagitan ng paglulunsad ng buwanang programa sa pasulat at pasalitang gawaing sa bawat asignatura. 4. Magsagawa ng malalimang pag - aaral at seminar ang mga guro upang makabuo o makatuklas ng mga paraan upang malihis ang interes ng mga kabataan sa paggamit ng mga salitang ito at mahikayat gamitin ang mga pormal na wika sa araw-araw na komunikasyon.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Collection Call number Status Barcode
GRADUATE THESES Bontoc Campus Library MPSU Bontoc Campus Library 2nd Floor Thesis-MAED MAED T43 2022 (Browse shelf(Opens below)) Available BTH0841

Nilayon ng pag- aaral na ito na matukoy ang mga salitang Gen Z na ginagamit ng mga tagatugong mag - aral sa Sinipsip National High School - Natubleng Extension, matukoy ang resulta o bunga ng paggamit sa mga salitang ito at ano ang implikasyon ng paggamit sa kanilang pakikipag- ugnayan sa kapwa.
Batay sa isinagawang pag- aaral , natuklasan ang mga sumusunod: Ang mga salitang Gen Z na ginagamit ng mga tagatugong mag- aaral ay Jejenese, Bekinese at Salitang balbal. Ang mga bunga o resulta ng paggamit ng mga tagatugon sa mga salitang Gen Z ay may positibo at negatibong resulta . Ang mga positibo ay malayang pagpapahayag , pagkatuto ng ibang salita , nagpapasya sa buhay, tumaas ang tiwala sa sarili at dumami ang mga kaibigan . Ang mga negatibong resulta naman ay pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at hindi pantay na pagtrato sa mga tagatugon . Ang mga implikasyon ng paggamit ng mga tagatugon sa mga salitang Gen Z sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kapwa ay ang pagkakaroon ng malayang komunikasyon , kaalaman sa ibang salita , kasiyahan , tiwala sa sarili, maraming kaibigan, hindi pagkakaunawaan at diskriminasyon.
Batay sa kongklusyon ay iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Ugaliin at sanayin ang sarili sa paggamit ng mga pormal na wika sa pakikipagkomunikasyon sa loob at labas ng paaralan. 2. Bagamat malaya ang mga kabataan sa paggamit ng mga salitang Gen Z sublalit nararapat iakma ang paggamit sa tamang pagkakataon, panahon, lugar, at tao. 3. Pagtibayin ang istriktong implementasyon at palawakin ang paggamit ng mga pormal na wika sa pagtuturo- pagkatuto at komunikasyon sa paaralan sa pamamagitan ng paglulunsad ng buwanang programa sa pasulat at pasalitang gawaing sa bawat asignatura. 4. Magsagawa ng malalimang pag - aaral at seminar ang mga guro upang makabuo o makatuklas ng mga paraan upang malihis ang interes ng mga kabataan sa paggamit ng mga salitang ito at mahikayat gamitin ang mga pormal na wika sa araw-araw na komunikasyon.

There are no comments on this title.

to post a comment.

Click on an image to view it in the image viewer

Local cover image